Solidarity Message on President Benigno Aquino III Visit to Canada

 

fwnheaderitalics

 

SOLIDARITY MESSAGE FROM THE FILIPINO WORKERS NETWORK ON PRESIDENT BENIGNO AQUINO’S VISIT TO CANADA

The Filipino Workers Network express its solidarity with other migrant workers organizations on four important key points:

  • protection and rights of migrant labour;
  • the right to work and stay in Canada;
  • trade agreements based on labour and environmental rights; and
  • a Canada based on social and economic justice.

With the state visit of President Benigno S. Aquino III in Toronto on May 8, the Filipino Workers Network is deeply concerned around the issues on human rights and continuous exploitation of temporary foreign workers in which thousands of Filipinos are now forced to return home as their four year contract expire under the Harper’s 4-in 4-out rule.

We call on both governments to consider the issue on Temporary Foreign Worker Program as part of the agenda on the basic premise  that if people are good enough to work they are good enough to stay in Canada.  This should give an opportunity for the thousands of Filipino temporary workers to be given a landed status or permanent residency.

But most importantly, we call on our brothers and sisters in the ranks to continue to be militant so that our rights are protected and observed. Our bands of brotherhood and sisterhood must perchance, grow stronger and unshaken at every opportunity to organize, mobilize and empower us to respond on issues that affect the working class.

LONG LIVE ALL MIGRANT WORKERS!

LONG LIVE SOLIDARITY BETWEEN CANADIAN AND FILIPINO WORKERS!

SIGNED:

Filipino Workers Network (Ugnayan ng mga Manggagawang Filipino)Toronto, Ontario Canada

————

KALATAS NG PAKIKIISA MULA SA UGNAYAN NG MGA MANGGAGAWANG FILIPINO (FILIPINO WORKERS NETWORK) HINGGIL SA PAGBISITA NI PANGULONG AQUINO SA CANADA

 

Ang Ugnayan ng mga Manggagawang Filipino (Filipino Workers Network) ay nagpapahayag ng pakikiisa sa iba pang mga organisasyon ng mga migranteng manggagawa sa apat na susing mahahalagang punto:

  • proteksyon para sa kagalingan at karapatan ng mga migranteng manggagawa;
  • karapatang magtrabaho at manatili sa Canada;
  • mga tratadong kasunduang nakabase sa karapatan ng paggawa at kapaligiran; at
  • isang Canada base sa sosyal at ekonomikong hustisya.

 

Sa pagbisita ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa Toronto sa Mayo 8, ang Ugnayan ng mga Manggagawang Filipino (Filipino Workers Network) ay lubos na nababahala sa usapin ng mga karapatang pantao at patuloy na pagsasamantala sa mga temporary foreign workers kung saan libu-libong mga Filipino ang napilitang umuwi pagkaraang matapos ang apat na taong kontrata sa ilalim ng 4-in 4-out rule ni Harper.

 

Nananawagan kami sa parehong gobyerno na ikunsidera ang isyu hinggil sa Temporary Worker Program bilang bahagi ng pag-uusapan at ayon sa basikong paniniwalang kung ang isang manggagawa ay nakakapagtrabaho sa Canada nararapat lamang na payagan din siyang dito’y manirahan. Kung magkagayo’y makapagbibigay ito ng pagkakataon upang ang mga libu-libong mga Filipinong temporary workers ay mabigyan ng landed status o permanent residency o permanenteng paninirahan sa Canada.

 

Lalo pang mahalaga, kami ay nanawagan din sa aming mga kapatid na manggagawa na patuloy na maging militante upang ang ating mga karapatan ay protektado at sinusunod. Sa mga isyung nakakaapekto sa uring manggagagawa, ang ating pagkakaisa bilang mga manggagawa ay dapat maging masigasig, maging matibay at hindi nababahala upang ang bawat oportunidad na makapag-organisa, makapagmobilisa at makapagbigay ng lakas sa bawa’t isa sa ating hanay ay lalo pang umigting.

 

MABUHAY ANG MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA!

MABUHAY ANG BUKLURAN NG MGA MANGGAGAWANG KANADYANO AT FILIPINO!

 

LAGDA:

FILIPINO WORKERS NETWORK (Ugnayan ng mga Manggagawang Filipino)

Toronto, Ontario Canada

 network@labourcouncil.ca

Leave a Reply